Kahit harap-harapan ka na niyang niloloko, nagbubulagbulagan kapa din at nahuhulog sa mga pinakikita niya sayo. Kahit mga kaibigan mo na mismo ang nagsasabi, mas pinipili mo padin magbingi bingihan kasi boses lang niya ang tanging pinaniniwalaan mo.
MAHAL MO KASI EH.
Kaya laging “mas” angat ung mga sinasabi niya sayo. kahit ang totoo sa huli ikaw ang lugi at matatalo.
Wala namang masama sa pagmamahal. kung meron man un ay pag sobra sobra na ang binibigay mo to the point na wala ng natitira sayo. yung bigay ka lang ng bigay pero wala ka namang nakukuha in return. yung sobra sobra pagtitiwala mo sakanya, pero pagdating sa iba di mo makuhang pagkatiwalaan kahit kapakanan mo lang naman ang iniisip nila.
Tandaan mo, lahat ng sobra hindi maganda. at walang masama kung bubuksan mo ang mata at tenga mo sa sasabihin nila. para din sayo yan e. para in the end, di ka masaktan. para in the end, di ka magamit ng maling tao na akala mu mahal ka pero sa totoo mula umpisa ikaw lang ang nagmamahal.
Legal kayo sa family niya at family mo at the same time. Nakakadalaw kayo sa bahay ng isa’t isa, minsan nga nag isleep over pa. Nakakasabay mong mag lunch at dinner fam niya, at ganon din naman siya sainyo. hindi niyo na kailangang tumakas pa at magsinungaling, makapag kita lang kayo. Masaya un ganito. masarap sa feeling. yung sakabila ng relasyon na meron kayo, tanggap na tanggap padin kayo ng mga pamilya niyo.
Kaya sana huwag kang matakot ipakilala ang taong mahal mo sa family mo, kasi mas okay yun kesa tago kayo ng tago. Dito mag uumpisa ung maging welcome siya sa family mo at pagkatiwalaan kayo ng parents niyo e. huwag niyo lang talaga kalimutan ung mga limitations niyo at huwag masyadong maging mapusok. Huwag niyong sirain ung trust na ibibigay sainyo ng parents niyo towards your relationship. Para as time comes, wala kayong pagsisisihan. di masira ung inumpisahan niyo at di rin magiging miserable ang mga buhay ninyo.
Nakakainis. kasi ang tagal niyang magreply.
Nakakatampo. kasi mas marami pa ung tulog niya kesa sa oras na nagkausap kami.
Nakakaiyak. kasi naiinis at nagtatampo ako. na kahit anong sabihin ko, parang dedma lang siya.
Ano nga ba naman magagawa ko kung ganon na siya talaga? tanggap ko naman e. tinatanggap ko naman. na kahit minsan bigla nalang pala ko naghihintay sa wala.
Hindi porket hindi mo na tini-TA ung mga idol mu simula ung finallow back ka nila, ibig sabihin sumipsip ka lang, lumaki ulo, nakalimot or what.
Sa totoo lang kasi para sakin pag finafollow back ako ng idol ko, nagiging inspired ako lalo sa pagbablog. ou sabihin na nating di na ko pala TA tulad ng dati, pero di ko padin sila nakakalimutan kausapin at kamustahin pag may time. lalo ung mga crush ko dito. kung minsan nag aanon pa ko guys di lang halata. tapos kung pwede nga lang araw-araw kamustahin ko sila pero kasi nagiging busy din naman ako kahit papaano. Tapos pag sinasagot nila mga TA ko, kahit simpleng “thank you” lang tuwang tuwa na ako. ganun sila kaimportante sakin. Ayun. sana lagi ko din napapasaya mga idol at crush ko dito kahit papaano.
kung minsan napaka unfair talaga ni kupido. papanain ka niya sa isang tao, habang papanain nya naman ang taong un para sa iba. nakakainis diba? magmamahal ka at masasaktan sa isang taong nagmamahal din at nasasaktan dahil sa iba. di mo mapigilang ipanalangin na huwag siyang magpaka tanga, na nandyan ka naman para sakanya, na kung ikaw ang makikita at mamahalin nya, hndi na kayo masasaktan pareha.
Kaso wala eh. kung may magagawa ka man? yun ay ang maghintay nalang. maghintay na baka dumating din ung time na matauhan siya at mapansin ka. magising siya sa katotohanan at iopen ang mata at puso nya para sa iba. pero depende din sau un kung maghihintay kapa, o tulad nya matatauhan kana din at itigil nadin lahat na ginagawa mo para sakanya.
Lahat naman kasi ng bgay may ending. pwedeng maganda, pwede ding hindi. lahat din ng tao napapagod. yung tipong pwedeng bumitaw na siya o ipagpatuloy niya pa. kaya depende na nga lang sayo yun kung sakabila ng pgod na natatamasa mo ay patuloy ka paring lalaban para sa taong mahal mo. na malay mo after all, ito na pala yung hinihintay mo. mapansin ka niya at mauwi kayo sa happy ending na matagal niyo na gustong maranasan dalawa.
Napaka bilis talaga ng pasok ng tag-ulan ngayon. june pa lang uso na agad ang mga baha, june pa lang heavy traffic na agad, june pa lang hello heavy rain nadin agad. sumabay agad sa pasukan ng mga estudyante eh, kaya june pa lang uso nadin ang…
To think na wala pang bagyo sa lagay na yan. ang hirap diba? ang sakit sa ulo. ang lakas maka huggard! ang aga mong mararanasan ung mga ganitong instances. Ang hirap din pumasok sa school. aksayado kasi sa uniform, lakas maka mantya at makasira ng sapatos kaya dapat as much as possible may dalang tsinelas. isama mo narin ung payong. tapos speaking of payong, ang hirap pa mag sara at bukas ng payong pag sasakay ng jeep.
kaya dapat pag sinabi na sa tv na ganitong tag-ulan na, alert kana din. magpaka girlscout ka na laging handa. huwag kanang mag inarte pa kasi di mawawala ang ganitong season kahit anong gawin mo. make sure na may payong kang dala, extra tsinelas o kaya kahit magbota kana para di masira sapatos mo. iready mo na ang mga paa at tuhod mo dahil malaki ang tendency na ma stranded ka sa daanan dahil sa mga baha. maging mapagmatyag din sa kalye, dahil hindi halata ang mga imburnal, baka sumuwak ka at madapa nalang bigla.
Maging handa na tayong habang maaga pa. para pag nag tag bagyo na, sanay kana. basta lagi ka lang mag-ingat. kung para sayo di na kaya ang pumasok sa school o work, huwag kanang tumuloy, mag stay ka nalang sa bahay para mas doble ingat. Huwag din kalimutan mag pray kay God, para kahit nasa ganitong klase ka ng sitwasyon, alam mong he’s with you no matter what.
Ayun, Goodluck students slash waterproofs. Mag-ingat lagi dahil ung ang pinaka best na gawin para sa araw-araw. ☺
Sabihin na nating wala ako sa mood sa buong araw. di kita matext ng maayos. ang titipid ng reply ko sayo. at lahat ng tao sa paligid ko damay sa nararamdaman ko. Namimiss lang naman kasi kita e! Gusto lang naman kasi kita makita. gusto ko lang naman ulit gawin ung mga bagay na ginagawa natin lagi tuwing magkasama tayo. puntahan ung mga lugar na pinag gagalaan natin, kainin ung mga pagkain na madalas laman ng mga tyan natin. masisisi mo ba ko kung ganito ang maramdaman ko? na sa sobrang pagka attach ko sayo, ilang araw ka lang na di masilayan ng mga mata ko ay nahihirapan talaga ako.
Kaya sana huwag mong masamain kung masyado kong atat na makita at makausap ka. ganon naman talaga tayo para sa mga taong mahal natin diba? kya nga sa oras na makita natin ung mga taong mahal natin solve na solve na agad tayo eh. kaya promise ko sau, makita lang kita okay na okay na ko. mayakap at mahalikan lang kita, kumpleto na agad ang araw ko. ganyan kita kamahal, na kahit sa simpleng bagay lang masaya na agad ako basta ikaw ang makakasama ko.

Sa dinami-dami ng tao sa buong mundo, asan ka na handang mahalin ako?
karaniwang tanong ng mga taong single parin sa tinagal ng panahon. yung mga babae/lalaki na napag iwanan na ng mga kapatid, pinsan pati nadin tropa nila. lahat sila may mga jowa na habang ikaw? single na single pa. syempre minsan di mo mapipigilan mapaisip pag ganon. mapapatanong ka sa sarili mo kung pangit kaba, ano bang mali sayo, kung ayaw lang ba nila, hindi ka lang ba talaga lapitin or what. hanggang mag imagine ka na ng kung anu-anong bagay about sa lovelife mo. hanggang umasa ka nalang sa mga napapanuod mong lovestory sa tv o kaya naman mga nababasa mo sa pocketbook o kahit sa wattpad.
Hindi naman kasi natin masasabi talaga kung kelan may magmamahal satin o kailan tayo magmamahal. hindi natin alam kung kailan tayo papanain ni kupido para itambal sa ibang tao. kumbaga nga, lahat tayo nasa isang malaking waiting area, lahat naghihintay. lahat hindi alam kung sino ung perfect guy/girl na para satin. hanggang isa-isa tayong nababawasan. isa-isa nating nakikilala nung mga taong para talaga satin. yun nga lang, mauna-una talaga.
Kaya huwag ka maging hopeless kung wala ka pading lovelife hanggang ngayon. may right time para dyan, hindi man ngayon pero malay mo bukas makabangga mo na pala siya? hindi man bukas pero malay mo nung isang gabi nakasalubong mo na pala siya sa daan? isipin mo nalang, ung mga matatanda nga nakakahanap padin ng makakasama nila hanggang sa kabilang buhay eh, ikaw pa kaya? huwag ka lang talagang atat. hintay hintay lang. ika nga ng nakararami, all things comes in a perfect place at a perfect time. just deal with it. ☺
Huwag gawing coloring book ang mukha. remember first year palang kayo guys, talo niyo pa mga staff sa school niyo pag nag make-up kayo ng makakapal. Ok lang kung required sa course pero kung hindi, powder and lipgloss will do. pati sweet smile narin para panalo! ÜÜ

Madalas tayo panghinaan ng loob everytime na binubully tayo at dinidiscriminate ng ibang tao. sino nga ba naman ang di magiging hopeless kung sa araw-araw na ginagawa ng Diyos, ito ang bungad sayo.
Yung iba nga diba sa sobrang pagka hopeless humahantong pa sa pag susuicide. ung tipong feeling nila wala silang kakampi, wala ng lugar sa mundo at feeling din nila totoo nga lahat ng binabato sakanilang salita. Oo mahirap nga naman ung ganitong estado. tama? kasi kung hindi, bakit may nagpapakamatay padin.
But guys, remember walang hindi magandang bagay na ginawa ang panginoon. we all have our imperfections and it depends to us kung paano ba natin panghahawakan ung mga imperfections na mayroon tayo. Tsaka hindi naman tayo ung may kasalanan kung bakit ganoon ang image natin sa iba, ang dapat sisihin dito ay ung mga taong pilit tayong hinahatak paibaba. huwag kang magpakabog sakanila. stay confident at taas noo mo silang harapin. huwag mo hayaang mapatunayan nilang tama sila. lumaban ka at ipagsigawan mo sa mundo na mali sila ng pagkakakilala sayo at di hamak na maganda ka kumpara sa mga taong pilit na sumisira sa pagkataong mo. ☺