Kadalasan pag broken tayo at may isang taong kumomfort satin o may isang taong sumalo satin sakabila ng lahat ng sakit na nararamdaman natin, hindi imposibleng hindi tayo mahulog o medevelop sa taong yun. sa mga oras kasi na yun tayo naghahanap ng kakalinga satin, sa mga oras kasi na yun tayo naghahanap ng masasandalan natin at magtatanggal ng sakit na nararamdaman natin. ginagawa natin siyang basehan para makalimutan lahat ng masasakit na kaganapan sa nakaraan. kung minsan hindi maganda tignan kasi ang dating eh, ginagawa mo siyang rebound. pero depende naman un sayo kung after all, gagawin mo lang nga ba siyang rebound o seseryosohin at susuklian mo lahat ng kabutihang pinakita niya sayo sa mga oras na wala kang masandalan at siya lang ung kaisa-isang taong nasa tabi mo.
Showing posts tagged with “lovefacts”
Iba ung mahal mo pa, sa ayaw mo na lang mawala sayo.
Minsan kala nalang natin na mahal natin ang isang tao. pero ang totoo, wala ng pagmamahal dun. natatakot lang tayo na mapag-isa, natatakot lang tayo mawalan, natatakot lang tayo mapag iwanan. pero kung ieevaluate mo yung feelings mo para sa taong un? hindi na un tulad ng pagmamahal na meron ka dati para saknya. ang lagay, sinasalba niyo nalang ung relasyon niyo hindi, dahil sa may nararamdaman pa kayo pareho, kundi nanghihinayang nalang kayo.
Sa bawat pag gising mo sa umaga, babangon kang puno ng saya ang mga mata. inspired at inlove araw-araw. lalo pag naiisip at nakikita mo na siya. yung tipong unti-unting nakukumpleto ang bawat minuto ng buhay mo, tapos magtatapos ito ng buong buo ang iyong pagkatao. kung pwede lang pahintuin ang bawat segundo sa orasan, huwag lang matapos ung perfect moments na nararanasan mo. ang saya! ang sarap sa pakiramdam mabuhay ng punong puno ka ng pagmamahal, hindi lang para sa sarili mo kundi para rin sa ibang tao.
Pag nagmahal ka, tanggapin mo na ung katotohanan na katambal nito ang masaktan ka. Deal with it.
Ang sarap sa pakiramdam ung behind every imperfection na meron ka, tanggap niya yun at lalo ka pa niyang minamahal. Na kahit hindi ka kagandahan, ikaw parin ung tinuturing niyang pinaka maganda sa lahat. Yung kahit mataba ka, she/he always find you sexy sa mga mata niya. Pag may mali kang nagawa, hindi siya magagalit, sasabihin niya pa sayo kung ano ung pagkakamali mo hanggang marealize mong, “ay oo nga, mali nga ako”. Yung kahit hindi siya pala sabi ng “i love you”, okay lang kasi wala naman siyang pintig sa pagpaparamdam nun sayo. at higit sa lahat, hindi siya nakakalimot iparamdam sayo na nagiisa ka lang sa mundo niya kahit napaka daming tao ang umaaligid sa buhay niya.
Marami ngang ibang lalaki/babae sa mundo, pero nag iisa lang ung taong mahal ko.
Kadalasan pag broken tayo, isa sa pinaka gasgas na lines na sinasabi satin ng friends natin ay, “okay lang yan. marami pang iba jan”. Di ko alam pero never ko naappreciate tong line na to. bakit? eh kasi, kahit madami man iba jan, nag iisa parin ung taong mahal natin sa mundo. walang katulad kumbaga. Hindi naman tayo magiging attach ng sobra sa isang tao kung hindi dahil sa personality na meron siya diba. kasi isa un sa mga bagay na nagustuhan at minahal natin sakanya. at yung personality na un ng isang tao, siya lang ang meron nun. kaya kung sasabihin man nila na marami pang iba jan, and so? oo marami sila pero hindi sila ung mahal ko eh. hindi sila ung taong may ganong klase ng personality. hindi sila ung taong gusto ko at gugustuhin ko pa lalo.

Yung feeling ng isang text niya palang kung kiligin ka sobra sobra na! yung bigla ka nalang mapapangiti kahit sa mata ng iba mukha kang tanga. Naranasan mo naba to? Yung sa sobrang pagka inlove mo sa isang tao, kahit isang simpleng text niya lang, heaven na ang feeling mo.
Madalas ako makakita ng mga ganito sa jeep eh. Ngiting tagumpay kumbaga. Mga ngiting abot hanggang tenga. Wlang pakelam sa kung anong sasabihin ng iba. Basta ikaw, kinikilig ka! At ayun ang importante kesa sa sasabihin nila. =D
Basta para sayo, ako’y magbabago kahit mahirap kakayanin ko basta para sayo.
Yung mga taong handang magbago alang alang sa taong mahal nila. Yung kahit hindi madali para sakanila ang gawin ang mga bagay na yun, they can still able to change themselves for the sake of their love ones. Sabi nila, kung mahal mo, ikaw mismo sa sarili mo ang magkukusa diba. hindi na kailangang sabihin pa niya o ng iba pa na magbago ka. kasi kung mahal mo siya, hindi mo hahayaang maging hadlang ung mga bagay na un sa relasyon niyo.
Yes, mahirap sa umpisa. but if you’re willing, then why not diba? ika nga, walang mahirap sa taong pursigido at walang mahirap sa taong nagmamahal. ♥

Yung feeling ng pinagpalit ka? Masakit!
Pinagpalit sa iba dahil sa mga imperfections mo. pinagpalit sa iba kasi hindi kana niya mahal. pinagpalit sa iba kasi may mas better daw kesa sayo. pinagpalit sa iba kasi hindi enough iung pinapakita mo. at marami pang ibang dahilan pero kung susumahin ayaw lang na niya talaga sayo kasi may mahal na siyang iba. Masakit diba? Yung magugulat ka nalang may new found love na pala siya ng di mo namamalayan.
Ang hirap magsimula ulit. Mag move on at harapin ang bukas na wala na ung taong minahal mo ng sobra kasi iniwan ka para sa iba. Mahirap. kaya sana maisip un ng mga taong madalas tong ginagawa. ung mga tao na sarili lang nila iniisip. ung walang pakelam sa mararamdaman o nararamdaman ng taong iniwan nila. para walng nasasaktan. at walang naiiwang baon sa kinalalagyan nila.
Don’t make them fall for you if you have no intention of catching them.
huwag kang magbigay ng motibo kung paaasahin mo lang naman. ano ka chicks na pa-fall? sa una lang magaling tapos pag alam mong naiinlove na sayo, maglalaho ka nalang ng parang bula na parang kala mo walang nangyare at walang nasaktan.
Isa kang hamak na duwag. huwag mong idahilan na hindi ka ready or ayaw mo ng committment. kasi kung ayaw mo talaga, sa una palang di ka na magbibigay ng motibo para maramdamin un ng tao. sa una palang umiwas kana. sa una palang umayos kana. Masakit kaya ung feeling ng umaasa. lahat naman tayo alam un diba? kaya huwag mong hayaan namaramdman un ng ibang ng dahil sayo. huwag kang paasa!

