Love knows no gender ♥

Month

June 2013

55 posts

Ang saya talaga pag legal kayo both sides.

Legal kayo sa family niya at family mo at the same time. Nakakadalaw kayo sa bahay ng isa’t isa, minsan nga nag isleep over pa. Nakakasabay mong mag lunch at dinner fam niya, at ganon din naman siya sainyo. hindi niyo na kailangang tumakas pa at magsinungaling, makapag kita lang kayo. Masaya un ganito. masarap sa feeling. yung sakabila ng relasyon na meron kayo, tanggap na tanggap padin kayo ng mga pamilya niyo.

Kaya sana huwag kang matakot ipakilala ang taong mahal mo sa family mo, kasi mas okay yun kesa tago kayo ng tago. Dito mag uumpisa ung maging welcome siya sa family mo at pagkatiwalaan kayo ng parents niyo e. huwag niyo lang talaga kalimutan ung mga limitations niyo at huwag masyadong maging mapusok. Huwag niyong sirain ung trust na ibibigay sainyo ng parents niyo towards your relationship. Para as time comes, wala kayong pagsisisihan. di masira ung inumpisahan niyo at di rin magiging miserable ang mga buhay ninyo. 

Jun 18, 20131 note
#mine #legal couple

Hello. birthday ng papa ko ngayon at ayun cinelebrate namin ito kahit wala si papa at kami-kami lang. nag spag si mama tapos gumawa kami graham kagabi at bumili ng cake kanina. busog lusog e! napag-isa ang meryenda at dinner. 

Tapos kasama ko pa si jess. pinapunta kasi siya ni mama. ayun isa pa siya sa mga di na makagalaw sa kabusugan kanina. hehe.

Sana maging masaya din ang papa ko sa araw na to kahit di namin siya kasama. miss na miss na namin siya eh. sana ienjoy niya to kahit na may trabaho siya. Sobrang thank you kay Lord, kasi di magiging posible lahat ng to kundi dahil sakanya. :-)

Jun 18, 2013
#personal #happybirthday papa! #goodvibes tuesday
Jun 18, 20131 note
#instalife #asians #pinays #instapic #girls #igpinas #tags4likes #outfit #mall #instagood #twins #instaphoto #twinsisters #instamood #instadaily #instacool
Yung ganda ng mood ko nag back-to-zero.

Nakakainis. kasi ang tagal niyang magreply.

Nakakatampo. kasi mas marami pa ung tulog niya kesa sa oras na nagkausap kami.

Nakakaiyak. kasi naiinis at nagtatampo ako. na kahit anong sabihin ko, parang dedma lang siya. 

Ano nga ba naman magagawa ko kung ganon na siya talaga? tanggap ko naman e. tinatanggap ko naman. na kahit minsan bigla nalang pala ko naghihintay sa wala.

Jun 17, 2013
#babygirl #mine

Hindi porket hindi mo na tini-TA ung mga idol mu simula ung finallow back ka nila, ibig sabihin sumipsip ka lang, lumaki ulo, nakalimot or what.

Sa totoo lang kasi para sakin pag finafollow back ako ng idol ko, nagiging inspired ako lalo sa pagbablog. ou sabihin na nating di na ko pala TA tulad ng dati, pero di ko padin sila nakakalimutan kausapin at kamustahin pag may time. lalo ung mga crush ko dito. kung minsan nag aanon pa ko guys di lang halata. tapos kung pwede nga lang araw-araw kamustahin ko sila pero kasi nagiging busy din naman ako kahit papaano. Tapos pag sinasagot nila mga TA ko, kahit simpleng “thank you” lang tuwang tuwa na ako. ganun sila kaimportante sakin. Ayun. sana lagi ko din napapasaya mga idol at crush ko dito kahit papaano.

Jun 16, 2013
#mine #idols #tumblr crushes

Nakarelate ako dun sa post ni yhel/emcrazyforyou. kasi ano e, pareha kaming cp ni jess. pareha din ng kulay, tapos wallpaper namen ang picture ng isa’t isa. pati palawit at jellycase pareha din magkaiba lang ng kulay. hehe. nauna na talaga kong bumili nito bgo pa maging kami. tapos ung nakapag ipon siya at natripan nya bgo ng cp, bumili nadin siya ng katulad ng akin. hihi, wala lang. kinikilig ako e. khit sa simpleng bgay lang na ganun, kinikilig at natutuwa talaga ako. :”>

Jun 16, 20133 notes
#emcrazyforyou #babygirl
Nagpapakatanga ako sayo, hinahayaang masaktan ang damdamin ko. habang ikaw? ganon din ang ginagawa, para sa ibang tao.

kung minsan napaka unfair talaga ni kupido. papanain ka niya sa isang tao, habang papanain nya naman ang taong un para sa iba. nakakainis diba? magmamahal ka at masasaktan sa isang taong nagmamahal din at nasasaktan dahil sa iba. di mo mapigilang ipanalangin na huwag siyang magpaka tanga, na nandyan ka naman para sakanya, na kung ikaw ang makikita at mamahalin nya, hndi na kayo masasaktan pareha.

Kaso wala eh. kung may magagawa ka man? yun ay ang maghintay nalang. maghintay na baka dumating din ung time na matauhan siya at mapansin ka. magising siya sa katotohanan at iopen ang mata at puso nya para sa iba. pero depende din sau un kung maghihintay kapa, o tulad nya matatauhan kana din at itigil nadin lahat na ginagawa mo para sakanya.

Lahat naman kasi ng bgay may ending. pwedeng maganda, pwede ding hindi. lahat din ng tao napapagod. yung tipong pwedeng bumitaw na siya o ipagpatuloy niya pa. kaya depende na nga lang sayo yun kung sakabila ng pgod na natatamasa mo ay patuloy ka paring lalaban para sa taong mahal mo. na malay mo after all, ito na pala yung hinihintay mo. mapansin ka niya at mauwi kayo sa happy ending na matagal niyo na gustong maranasan dalawa.

Jun 16, 2013
#lovefacts #mine

image

Happy birthday chelay maitchy | chelay mahalay | charizze anne nuñez!

Two years ago ata ung huli pa kitang nakita? sa megamall un may dala kapang dslr at nakauniform. Tapos bago din mag birthday mo nun, magkakasama tayo sa marikina. unexpected ung pagsama mo, sa gateway tayo nun nagkitakita para puntahan si karen. naaalala mo paba? Hehe

Si Chelay… Highschool palang kami ung nagkakilala kami. una ko siyang nakita sa fairview, first time ko din siyang naka shot. mala dora the explorer tong babaeng to. laging on the go pag inaya sa galaan. namimiss ko siya, sobra! namimiss ko ung nagsheshare siya sakin tungkol sa lovelife niya pati sa iba’t ibang bagay. Sana magkaron ulit ako ng chance na makita siya. sa tinagal tagal din naminnitong magkakilala, wala kaming picture na magkasama. haha! kaya pag nagkita kami ulit nito, first thing na gagawin ko ay magpapicture sakanya. ayun. happy birthday ulit sis! i miss you so much and i love you so much. ingat ka lagi. stay gorgeous and stay awesome! ☺

Jun 15, 201311 notes
#chelaymahalay #happy birthday!

image

To the most handsome, hardworking, loving, supporting, bestest, coolest and one and only man in my whole life, HAPPY FATHER’S DAY and HAPPY BIRTHDAY in advance!

Si papa ung tipo ng ama na mas piniling magtrabaho sa malayong lugar mabigyan lang kami ng magandang buhay. Si papa ung tipo ng ama na ibes magalit kasi nag failed ka sa isang bagay, e lalo pa niyang papalakasin ang loob mo at susuportahan no matter what. si papa ung tipo ng ama na hindi ka ipapahiya pag pinagalitan ka. papapasukin ka niya sa kwarto para dun kayo mag-usap. Si papa ung tipo ng ama na masasabi kong pinaka the best sa lahat.

Sobrang laki ng pasasalamat ko kasi siya ung naging papa ko. hindi ko man un masabi sakanya personally, alam kong naipaparamdam ko naman un. Kung may wish man ako for him, un ay sana gumaling na siya dun sa sakit niya. at sana maging safe siya lagi sa trabaho niya. 

Mahal na mahal ko ang papa ko at proud na proud ako sakanya! Alam ko darating din ung time na ako na ang magtatrabaho para saming pamilya para makabawi din ako sakanila ni mama. Ayun. Happy birthday and happy father’s day ulit sa papa ko sa lahat ng ama, mukhang ama at magiging ama sa mundo. ♥

Jun 15, 20131 note
#happy father's day! #i love you papa!

Her eyes. Her smile. Her hugs and her kisses. 
Jun 14, 20132 notes

image

Yung lalaking handang umiyak para sa babaeng mahal niya. hindi nahihiya kung sabihan man siya ng iyakin kahit lalaki siya, at walang pakelam kung asarin man siya ng mga tropa niya. dahil para sakanya ang importante lang ay ung babaeng mahal niya at ung relasyon na meron sila. yung sa bawat luhang makikita mo mula sa mga mata niya, dama mo ung lungkot pag naiwan siyang mag isa. sa bawat mahigpit na yakap niya sayo, dama mong ayaw ka niyang mawala. at sa bawat salitang bibigkasin niya, isa lang ang gusto nun ipahiwatig. Mahal ka niya at patuloy ka niyang mamahalin habang buhay. ♥

Jun 14, 20131 note
#lovefacts #boys
Umpisa na nga ang tag-ulan!

Napaka bilis talaga  ng pasok ng tag-ulan ngayon. june pa lang uso na agad ang mga baha, june pa lang heavy traffic na agad, june pa lang hello heavy rain nadin agad. sumabay agad sa pasukan ng mga estudyante eh, kaya june pa lang uso nadin ang…

  • Suspended daw klase natin!
  • Wala din kayang pasok bukas?
  • Ano bayan bakit kami may pasok pa?
  • Waterproof talaga oh!
  • Ang taas ng baha sa espanya!
  • at madami pang iba.

To think na wala pang bagyo sa lagay na yan. ang hirap diba? ang sakit sa ulo. ang lakas maka huggard! ang aga mong mararanasan ung mga ganitong instances. Ang hirap din pumasok sa school. aksayado kasi sa uniform, lakas maka mantya at makasira ng sapatos kaya dapat as much as possible may dalang tsinelas. isama mo narin ung payong. tapos speaking of payong, ang hirap pa mag sara at bukas ng payong pag sasakay ng jeep.

kaya dapat pag sinabi na sa tv na ganitong tag-ulan na, alert kana din. magpaka girlscout ka na laging handa. huwag kanang mag inarte pa kasi di mawawala ang ganitong season kahit anong gawin mo. make sure na may payong kang dala, extra tsinelas o kaya kahit magbota kana para di masira sapatos mo. iready mo na ang mga paa at tuhod mo dahil malaki ang tendency na ma stranded ka sa daanan dahil sa mga baha. maging mapagmatyag din sa kalye, dahil hindi halata ang mga imburnal, baka sumuwak ka at madapa nalang bigla. 

Maging handa na tayong habang maaga pa. para pag nag tag bagyo na, sanay kana. basta lagi ka lang mag-ingat. kung para sayo di na kaya ang pumasok sa school o work, huwag kanang tumuloy, mag stay ka nalang sa bahay para mas doble ingat. Huwag din kalimutan mag pray kay God, para kahit nasa ganitong klase ka ng sitwasyon, alam mong he’s with you no matter what.

Ayun, Goodluck students slash waterproofs. Mag-ingat lagi dahil ung ang pinaka best na gawin para sa araw-araw. ☺

Jun 14, 20131 note
#mine #tag-ulan

Hello. Kauwi ko lang galing sa bahay nila jess sa sta.maria. sa wakas nakapag sleepover na ulit kasama siya! Sobrang namiss ko siya e. buong gabi kaming nagkulitan. pati mama niya nakikipag kulitan din samin at kwentuhan tungkol sa multo. haha!

Ayun ang saya ko. kahit feeling ko napaka negra ko na dahil nag motor lang kami papunta hanggang paguwi kanina. ang hapdi sa balat infareness. huehue. pero laking pasasalamat ko padin kasi di ako pinapabayaan ni jess. laging hatid-sundo pa nga ko kung tutuusin. 

Tapos nakapag pa-clearance nadin kaming dalawa kahapon. sana maaga naming makuha ung backpay namin. pareha kasi naming kailangan un. may pinag iipunan kasi kami pareha. sana din malaki ng bahagya, pambawi manlang sa laki ng hindi nila ibinigay sakin bago ko maendo. 

Di ko lang talaga di mapigilan magshare ng happiness ko. sana lagi nalang ganito ung feeling. masaya at tanggap na tanggap kami pareha, both sides pa. thank you lord, sobrang saya ko po talaga! ☺

Jun 14, 2013
#personal #babygirl
Makita lang kita, okay na okay na ko.

Sabihin na nating wala ako sa mood sa buong araw. di kita matext ng maayos. ang titipid ng reply ko sayo. at lahat ng tao sa paligid ko damay sa nararamdaman ko. Namimiss lang naman kasi kita e! Gusto lang naman kasi kita makita. gusto ko lang naman ulit gawin ung mga bagay na ginagawa natin lagi tuwing magkasama tayo. puntahan ung mga lugar na pinag gagalaan natin, kainin ung mga pagkain na madalas laman ng mga tyan natin. masisisi mo ba ko kung ganito ang maramdaman ko? na sa sobrang pagka attach ko sayo, ilang araw ka lang na di masilayan ng mga mata ko ay nahihirapan talaga ako. 

Kaya sana huwag mong masamain kung masyado kong atat na makita at makausap ka. ganon naman talaga tayo para sa mga taong mahal natin diba? kya nga sa oras na makita natin ung mga taong mahal natin solve na solve na agad tayo eh. kaya promise ko sau, makita lang kita okay na okay na ko. mayakap at mahalikan lang kita, kumpleto na agad ang araw ko. ganyan kita kamahal, na kahit sa simpleng bagay lang masaya na agad ako basta ikaw ang makakasama ko.

Jun 11, 2013
#lovefacts #mine

image

Sa dinami-dami ng tao sa buong mundo, asan ka na handang mahalin ako? 

karaniwang tanong ng mga taong single parin sa tinagal ng panahon. yung mga babae/lalaki na napag iwanan na ng mga kapatid, pinsan pati nadin tropa nila. lahat sila may mga jowa na habang ikaw? single na single pa. syempre minsan di mo mapipigilan mapaisip pag ganon. mapapatanong ka sa sarili mo kung pangit kaba, ano bang mali sayo, kung ayaw lang ba nila, hindi ka lang ba talaga lapitin or what. hanggang mag imagine ka na ng kung anu-anong bagay about sa lovelife mo. hanggang umasa ka nalang sa mga napapanuod mong lovestory sa tv o kaya naman mga nababasa mo sa pocketbook o kahit sa wattpad. 

Hindi naman kasi natin masasabi talaga kung kelan may magmamahal satin o kailan tayo magmamahal. hindi natin alam kung kailan tayo papanain ni kupido para itambal sa ibang tao. kumbaga nga, lahat tayo nasa isang malaking waiting area, lahat naghihintay. lahat hindi alam kung sino ung perfect guy/girl na para satin. hanggang isa-isa tayong nababawasan. isa-isa nating nakikilala nung mga taong para talaga satin. yun nga lang, mauna-una talaga.

Kaya huwag ka maging hopeless kung  wala ka pading lovelife hanggang ngayon. may right time para dyan, hindi man ngayon pero malay mo bukas makabangga mo na pala siya? hindi man bukas pero malay mo nung isang gabi nakasalubong mo na pala siya sa daan? isipin mo nalang, ung mga matatanda nga nakakahanap padin ng makakasama nila hanggang sa kabilang buhay eh, ikaw pa kaya? huwag ka lang talagang atat. hintay hintay lang. ika nga ng nakararami, all things comes in a perfect place at a perfect time. just deal with it. ☺

Jun 11, 2013
#mine #lovefacts
Frosh tips 101:

Huwag gawing coloring book ang mukha. remember first year palang kayo guys, talo niyo pa mga staff sa school niyo pag nag make-up kayo ng makakapal. Ok lang kung required sa course pero kung hindi, powder and lipgloss will do. pati sweet smile narin para panalo! ÜÜ

Jun 9, 20133 notes
#mine #thoughts #froshtips101 #backtoschool
Two years here in tumblr.

Magdadalawang taon na pala ko dito sa tumblr. June ako gumawa ng account dito pero kelan ko na ginamit dahil wala kong ka id-idea kung paano gamitin. na discover ko to kay chelay, tapos na inspire ako gumawa ng blog dahil kay edlyn. naaalala ko dati, pag nag oonline ako lagi ako nagbbasa sa blog nya. puro pa tungkol kay potpot(ex nya) ung mga post nya nun. tapos hanggang maengganyo na nga ko. nagpatulong ako sa friends ko, sila pa nag aaus ng theme at codes ko noon hanggang matuto nadin ako.

Naging super active ako dito ung nagdorm ako. free wifi kasi dun. tapos ung mga post ko pa nun puro kakupalan lang. sumali din ako ng kada. Superkada unang una. super dami ko ngng kaibgan dun kaso nbuwag. pagkabuwag, bnuo ung uberkada. kaso dun nadin ako nagstart sa pagiging hiatus. nag stop kasi ako. goodbye dorm, goodbye wifi nadin. tapos aun gumawa kami saltekkada kaso di nagng epektib. sumali ako ng martirkada, tapos nalimutan ko na ung iba.

Tagal ko din naging hiatus dito. Nakablek nlang ulit ako yung nagka wifi na kami. nagdadalawang isip pa ko nun pero sa huli pinush ko nadin. Hmm never din pa ko nakakapunta sa kahit anong meetup. 1st tym ko sana sa tyemu, section 10 ako nun. kaso kasagsagan ng jpls namen at di ako pwdng lumiban sa trabaho.

Aun. two years here in tumblr is so0o0o amazing. madami man changes na naganap, ok lang. parte ng buhay un e. all we need to do is to accept the fact that things had changed, and move on. It doesn’t matter din kung hndi naging madami yung followers ko dahil sa una palang, di naman un ang pakay ko dito. What’s more important for me is that I can still express myself through my posts, I gain new set of friends and I’m still enjoying what I have started two years ago.

After all this years, I think it would never be easy for me to leave tumblr. Sana lang habang tumatagal ako dito, madagdagan pa ung mga magiging kaibigan ko. Ayun, thank you sa mga naging part ng tumblr life ko. mga friends lalo yung mga idols ko. lakas niyo maka inspire ng ibang tao. Kay chelay at eds na dahilan kung paano ko nadiscover tong blogsite na to. Thankyou ulit. Thankyou guys. Ü


PS: Sana makapunta na ko ng meet-up! =))))

Jun 9, 20133 notes
#super long post #tumblr life #chelaymahalay #herlostwords #two years and still counting #MedyoMadrama
Goodmorning! Thank you Lord! :)
Jun 8, 2013

image

Madalas tayo panghinaan ng loob everytime na binubully tayo at dinidiscriminate ng ibang tao. sino nga ba naman ang di magiging hopeless kung sa araw-araw na ginagawa ng Diyos, ito ang bungad sayo.

  • Ang pangit mo!
  • Ang taba mo!
  • Mukha kang demonyo!
  • Pakamatay kana!
  • Pandak mo, patangkad ka muna!
  • at iba pang panlalait na maririnig mo sa kung sino man dyan sa tabi-tabi. 

Yung iba nga diba sa sobrang pagka hopeless humahantong pa sa pag susuicide. ung tipong feeling nila wala silang kakampi, wala ng lugar sa mundo at feeling din nila totoo nga lahat ng binabato sakanilang salita. Oo mahirap nga naman ung ganitong estado. tama? kasi kung hindi, bakit may nagpapakamatay padin. 

But guys, remember walang hindi magandang bagay na ginawa ang panginoon. we all have our imperfections and it depends to us kung paano ba natin panghahawakan ung mga imperfections na mayroon tayo. Tsaka hindi naman tayo ung may kasalanan kung bakit ganoon ang image natin sa iba, ang dapat sisihin dito ay ung mga taong pilit tayong hinahatak paibaba. huwag kang magpakabog sakanila. stay confident at taas noo mo silang harapin. huwag mo hayaang mapatunayan nilang tama sila. lumaban ka at ipagsigawan mo sa mundo na mali sila ng pagkakakilala sayo at di hamak na maganda ka kumpara sa mga taong pilit na sumisira sa pagkataong mo. ☺

Jun 8, 20131 note
#mine #bullying #people now a days #cheer up and stay awesome
“Ang tipid mo magreply!” —Ayoko talaga sa lahat ung pag may katext ako, tinitipid ako sa reply. lalo pag si jess kausap ko o kahit sa mga ex ko. ewan pero iba kasi ang dating sakin e. minsan feeling ko hindi kasi interesado na makausap ako o kaya naman may pinagkakaabalahang iba na hindi ko alam. lagi nga nila sinasabi sakin na alangan naman daw mala nobela ang ireply nila ma satisfy lang ako. pero di parin un dahilan diba. kasi kung interesado ka sa katext mo, you’ll still find a way para maging exciting parin ung conversation. yun yung laging pinopoint out ko. pero syempre diba, hindi naman tayo pare-pareho ng perceptions. basta para sakin, ayoko talaga ng matipid magreply. ayaw ko. 
Jun 8, 2013
#personal #replies
Next page →
2012 2013
  • January 3
  • February
  • March
  • April 38
  • May 122
  • June 55
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
2011 2012 2013
  • January 24
  • February
  • March 121
  • April 332
  • May 313
  • June 98
  • July 86
  • August 118
  • September 142
  • October 134
  • November 47
  • December 16
2011 2012
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June 44
  • July 338
  • August 194
  • September 133
  • October 93
  • November 37
  • December 86