“I want, I want, I want
god I can be so selfish
but all I want is your face
nestled up against my neck
until the sun rises
and your hand in mine
so we never spend
a second apart.
I’m selfish for your love
and I will be
until the day I die
because I want your kisses
to be mine
and no one else’s.
I want your sleepy yawns
and even your shaky
3 am nightmares
because I want to be the one
to make you feel better.
I’m human and I’m selfish
and I’m selfish for you.” — I want you

Ang totoo, ako nalang gumagawa ng ikasasakit ng damdamin ko.

Yung kahit alam kong may iba na siya, umaasa padin ako na baka magbago pa ang lahat. Yung kahit ilang beses na ko pinagsasabihan ng mga kaibigan ko na tigilan ko na at layuan na siya, ako tong tanga tangahan na nagpapaka askhole at hindi padin siya magawang layuan. Yung kahit alam kong araw-araw sila magkasama, nagbabaka sakali parin akong bigyan niya ko ng oras at atensyon niya ng hindi humihingi ng opinyon sa gf nya. Yung kahit alam kong mahal na mahal niya ung babae, ako naman si tanga na nakikipag kompitensya pa kahit alam kong sa una palang dehado na.

Ganon ata pag mahal mo ang isang tao. Darating talaga ung time na magtatangatangahan ka, mabawi lang siya. Gagawin mo lahat kahit alam mong imposible na. Mahal mo eh, handa kang ipaglaban ung pagmamahal mo sakanya. Yun nga lang sorry ka kase habang pinaglalaban mo siya, pinaglalaban din niya yung taong mahal niya.

You will never be truly happy if you continuously hold on to the things that make you sad.

Yung taong source of happiness ko noon, source of pain ko na ngayon.

Can someone teach me how to let things go easy? Can you please tell me how to let her go and never hold on anymore?

Can you?

“Di natin talaga masasabi kung ano ung mga susunod na posibleng mangyari. One day, magigising nalang tayo na nandun na tayo sa sitwasyong kinakatakutan natin. Ni hindi manlang tayo makakapag handa. Tapos we only have two choices. Kung lalaban ba o susuko nalang kagad ng ganon kadali.” — c.j.r

May mga katanungan tayo sa buhay na mananatiling katanungan nalang. Na hindi mo alam kung dapat mo pa bang marinig ung sagot kasi baka lalo ka lang masaktan.

Yung babaeng pinagseselosan ko noon, girlfriend na niya ngayon.

Naaalala ko pa ung gabi ng anniv namin nung sinabi niyang hindi siya mafo-fall dun. Na alam sa work niya na may gf siya. Na ako lang ung baby niya. Na ako lang, wala ng iba.

Tapos wala pang isang buwan, nakipagbreak siya. Then one month after namin magbreak, naging sila. Minsan iniisip ko nag dahilan lang siya sakin na kesyo ganito kesyo ganyan, pero ang totoo na fall na siya talaga kay girl. I don’t know. Di ko naman maiiwasan na isipin un pero sana mali ako.

I didn’t expect pa nga na darating ung time na makikita ko siya, makakasama pa actually, kasama ung bagong mahal niya. Sa totoo lang everytime na mangyayari yun, di ko alam kung paano ako ngingiti. Kung paano ako kikilos. Kung paano ako mag iisip. Basta ang alam ko lang, may kumikirot sa dibdib ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Di ko maexplain ung feeling. Para kong aatakihin.

Pero wala naman na kong magagawa kundi kumalma lang. Oo di maiiwasang mag inarte pero di naman na makakatulong yun eh. Kasi kahit na anong pag iinarte at pagmumukmok ko, wala na siya sakin. Pag mamay-ari na siya ng iba. At kung may makakapag pasaya man sakanya ng sobra ngayon, di na ako yun. Yung bago na niya.

Di natin talaga masasabi kung ano ung mga susunod na posibleng mangyari. One day, magigising nalang tayo na nandun na tayo sa sitwasyong kinakatakutan natin. Ni hindi manlang tayo makakapag handa. Tapos we only have 2 choices. Kung lalaban ba o susuko nalang kagad ng ganon kadali.

Hmm sad to say, yung taong nangako sakin ng “forever” hindi manlang ako pinaglaban. Mas pinili niyang sumuko nalang kagad while I’m still fighting for her.

“There’s no specific process of moving on. You just have to “accept” the fact that he left you and replaced you during the time that you are so attached to him.” — Acceptance is the key // c.j.r

Nakakaapat na buwan na ko. Ilan pa po? Alam ko naman eh, walang ibang makakapag pa heal ng sugat sa puso ko kundi ako din mismo. Time will tell. Ayokong madaliin kasi baka imbes gumaling, lalo pang lumalim.

Kaya to. Si cath pa ba? Ü

What if one day you see me happy with someone else? Will it bothers you? Will you find yourself somehow affected? Will you keep on asking yourself, “Is she really happy?”? Will you try to compare yourself to him? Is there any chance that you’ll get jealous or insecure off? What will you do? Will you try to win me back? Or you’ll just forget what you saw because you don’t care anymore?

I don’t know… But I hope it affects you, that you might come back because you don’t have the balls to see me happy with someone else.

I really do hope. Because in the end, it will always be you.

” — The girl who will be happier if it’s you who’ll makes her happy. // c.j.r

Bakit ganon? Kung sino pa ung mga taong nangako sayo na hindi ka iiwan hanggang sa huli, sila pa pala ung mga taong kayang kaya kang talikuran ng ganon kadali.

Nakakapagod lang na magmahal at magpahalaga. Di ko tuloy alam kung ako ba ung may problema kaya ako iniiwan. Ang alam ko lang kasi ginagawa ko naman lahat, kaso bakit ganon? Parang di parin sapat?